Tuesday, September 05, 2006
Ang tagal ko ng hindi nakapagpost.. hehe.. more than a month.. hehe.. history? ganun? Wala na bang mas luluma dun? Hehe.. (--,) gusto ko rin kasi sanang palitan ung skin bago ako magpost.. kaso wala akong makitang trip ko.. tuloy ndi mabago.. tuloy walang post.. pero hanggang ngaun ndi ko pa rin nababago..
ayun ang daming nangyari sa loob ng isang buwan.. hindi mo aakalain na isang buwan pa lang pala ang lumipas.. san ba uumpisahan? basta.. natapos na ang first quarter.. grades? ayos lng.. katanggap tanggap.. tas sabi pa ng magulang ko.. o bakit hindi ka bagsak sa physics? wenk.. parang imbis matuwa na pasado ako ganun pa ung naging reaksyon.. may nangyari din kasi.. dati napagalitan ako ng sobra sobra dahil sa mga bagsak na long tests sa physics.. pati na rin sa exam.. ayun.. basta lahat na binuhos dun.. dalawang araw.. actually hindi lang dalawa.. basta may tsansang ipasok ung topic na un gagawin nila.. ayun.. tas ang “pinakahihintay” ay dumating na.. haay.. ang lungkot talaga.. hindi ko akalain.. ibig sabihin un talaga ang gusto ng Diyos.. pero sana wag pa rin.. may 30% pa rin naman e.. d b shantrel? >:) tas absent pa ako sa lunes.. haay.. pero sa mga pagkakaibigan o ano man.. wala akong pinagsisisihan.. hindi ako nanghihinayang na naging kaibigan ko kayo.. ung tipong dapat hindi ko na lang kayo naging kaibigan para mapadali.. hindi.. hindi ganun.. saka pasensya na nga pala dati.. kasi pumasok yan sa isip ko dati.. narealize ko na mali pala un.. hindi ko kayo dapat iwasan o kung ano man.. sa halip dapat lalo pa tayong magsama sama at maging masaya.. lubus lubusin ang bawat sandali.. hindi pa naman huli ang lahat di ba? saka nandito ako lagi sa tabi niyo.. kung may kelangan kayo.. lumapit lang ako.. kung kelangan ng mapagsasabihan.. ng payo.. sa panahon ng pangangailangan.. sa panahon ng kasiyahan.. salamat sa inyong lahat.. naisip ko lang din bigla.. malapit na birthday ni rizi.. malamang iiyak ako nun.. hehe.. sabihin ko na in advance para mapaghandaan.. :-P
presentasyon noong buwan (araw) ng wika.. ayun.. pangatlong gantimpala.. ewan ko nga e.. ang labo ng nagging reaksyon ng lahat.. nagulat na hindi.. ewan. parang masayang ndi.. basta malabo.. pero ayun.. 3rd.. waray waray! hehe.. (--,)
masaya ako sa kaibigan.. salamat sa inyo.. magkakasama sa kalokohan.. hehe.. (--,) bukas uli.. :-P
astig mural painting.. ang bilis.. isang araw lang.. ang galing niyo =D> kaso bakit nagkanunal? kamukha tuloy ni gloria o nora aunor ung isa.. hehe.. :D
kanina poetry slam.. ayun.. ang daming sumali.. congrats sa lahat.. hindi pa rin alam ung panalo pero ok naman ang nagging presentasyon ng lahat..
lapit na foundation.. tas fieldtrip na rin.. sana maging maayos at masaya.. sa intrams.. yellow team.. dami naming magkakasama dun.. kaso ano naman gagawin namin? good luck na lang..
jumped to reach the star @ 9:13 PM
Monday, July 24, 2006
post. gabi na pero gising pa ako.. kasi natulog ako ng hapon.. matagal.. dapat isang oras lang kaso napasarap.. naging 4 hours.. hehe.. (--,) para makapagpuyat kasi wala pa ako gaanong nagagawang homework.. un naman pala walang pasok.. hehe..
sobrang hectic ng linggong to.. buti na lang tapos na siya.. medyo malungkot lalo na nung umpisa ng linggo pero umayos na rin naman..
nung thursday.. bday ni kuya.. 22 na siya.. wow.. tanda na niya.. haha.. pero narealize ko ako rin pla.. muwahahaha.. siyempre lahat tumatanda.. ayun.. nung thursday din.. umalis kaming avo para suportahan si kuya kan.. nakakakaba talaga.. ang daya rin kasi.. mali mali ung nagsasalita.. time is up n daw pero ndi pa.. tuloy hindi na sumagot si kuya kan.. tas dapat panalo na sya kaso binawi kasi mali ung first answer niya.. pero ung pangalawa nasagot na niya.. kaya un.. astig nanalo siya.. ang galing! ayun.. tas sagot ung mga audience.. hehe.. swerte namin nasa harap lang namin si sir allas at nagtuturo sa min.. pati ung difficult question nasagot namin.. haha.. (--,) tas pagbalik ng skul.. lahat kinakabahan kasi 2 30 pa lang ata.. e wala pa namang mga assign.. ako naman iniwan ko gamit ko.. hehe.. pero buti na lang mabait si sir lorenzo.. excused naman daw kasi kami kaya ayos lang..
friday.. grabe test sa physics.. ndi makatao.. bagsak ako.. sigurado.. himala pag nakapasa.. pero sana pa rin.. malay mo.. tsamba.. after ng physics.. walang mapeh.. tas wala pang tle.. hehe.. pahinga.. tas nung uwian.. nanood kami sa mga nagssoccer.. hehe.. wala lang nakakatuwa.. pati si rizi nandun.. (",) tas nagmcdo rin kami.. nandun pa nga si sir lorenzo.. kasama ung asawa niya..
sabado.. haay.. sayang talaga ndi ako nakasama sa chinoi.. maganda raw.. sayang talaga.. haay.. ayoko mag book report.. pangit! magbabasa ng libro.. aabutin ng araw tas gagawa pa ng review.. sayang talaga.. akala nila may showing pa ngaung linggo e kaso wala na daw.. buti na lang din may refund pero kahit na.. sayang.. sana iba ung special project.. (--,) tas ung test.. haay.. buti na lang mahirap.. hahaha.. :)) ndi man lang multiple choice.. show your complete solution.. tas bawal calculator.. grabe napiga utak ko dun.. ung english naman essay. 300 words.. ang sakit sa kamay.. pero ndi rin naman ganun kahaba.. isang page lang ang napuno.. ung GAT 20 mins lang.. ndi ko man lang natapos.. o d b? astig! asa pa talaga.. pero ginawa ko naman lahat ng makakaya ko e.. un lang talaga kinaya ko.. bahala na.. (--,)
linggo.. wala.. tulog lang.. hehe.. ndi gaano nakapagym.. nagloloko kasi nung umaga.. tapos minsan gamit naman ni kuya.. haay.. tapos minsan naman walang tao.. pero ayos lang yan.. may iba pang araw.. (--,)
hanggang dito muna.. (--,)
jumped to reach the star @ 12:13 AM
Wednesday, July 12, 2006
post post post!
hmm... ano bang meron?
nakabili na ko ng test tube at nabigay ko na kina sir.. haha.. yehey!
kahapon.. arts.. ang saya.. ang gulo gulo.. nakakatuwang magexperiment.. tas after.. naglinis.. kaso napagalitan kami.. ang dumi daw kasi ng mga cr, tas sa corridor may mga pintura rin.. kaya muntik kaming maguidance.. tas para daw mamotivate kami.. sabi nung iba isipin na lang daw namin si sir allas.. :)) kasi pag ndi kami maglilinis.. baka daw madisappoint siya.. haha.. kaya un.. linis.. tas wala kaming tle dahil dun.. hahaha.. magazine din daw proj sa physics.. hehe..
kanina.. suspended ang klase.. nagpakahirap pa namang pumasok ang lahat.. pero ayos lang yan.. si sir estacio ung nag-announce sa klase.. kala nga namin may stat pa e.. un pala mag-aannounce lang.. nung pinoy.. check lang.. tapos nagkasakit din si nine kanina.. kaya sinamahan ko siya sa clinic.. kaso.. as usual.. sarado.. kaya sa guidance na lang.. tas sinundo siya.. kaya hindi rin ako nakapag-ap.. hehe.. sa chem.. ndi si sir bocato ang nagturo.. kaso nung bandang dulo.. medyo tinamad na rin kaming makinig.. kasi nagkakagulo nanaman ang lahat.. parang nung tuesday.. mababaliw na nga daw si sir e.. nung english.. discussions lang.. pansin ko.. paatras ang post ko.. hehe.. baliktad ang mundo..
naadik kami sa iba't ibang kanta.. pati kanta ng m2m.. hehe.. nakakatuwa naman.. (",)
nitong linggong to.. madalas nagigising akong umiiyak ako.. haay.. sana hindi naman mangyari un.. nakakaasar.. wag naman sana.. :-<
kahapon masaya.. ngaun.. ayos lang..
tinag ako ni michaia kaso sa susunod ko na lang ipopost.. hehe..
wala nanaman daw pasok bukas.. totoo kaya? malalaman bukas.. hehe.. (--,)
jumped to reach the star @ 7:02 PM
Saturday, July 08, 2006
matagal ko n sinasabing magpopost ako pero ngayon ko lang nagawa.. (--,)
ano bang meron nitong linggong to? ayos lang naman.. masaya.. minsan malungkot.. pero ok naman..
si bec 3 araw absent.. pero ok na raw siya.. false alarm lang.. (",)
diagnostic test.. sabi nung isang bata madali lang daw........ madaling hulaan.. :-P pero as usual.. natagalan akong manghula.. hehe.. ndi ako si madam auring.. hehe.. corny.. (--,) after ng diagnostic.. sa tokyo tokyo kami kumain.. kasi puno na sa mcdo.. kasama sina yza.. hevs.. jess at hoshee.. tas after kumain.. nakita namin sina jean.. tas umikot kami sa carpark.. kaso nawala sina jean.. nung pabalik.. sina danniel.. alain.. jp.. karl.. at iba pa naman ung nakita namin.. nagdota kasi sila.. tas istambay sa mcdo.. tas un.. uwi na rin..
friday.. malas...... una.. walang mass.. *sad*.. tapos nung chem.. yan na.. sorry tlga groupmates.. sorry rin sir.. ndi ko po sinasadya.. katangahan ko kasi umiral.. tuloy.. :(( nabasag tuloy ung test tube.. babaw noh? pero wala lang.. nakakakaba kasi e.. haay.. tas nung friday may flag retreat din.. kay 530 na kami nakaalis ng school..
ayun.. mukhang ok na naman ang karamihan.. sana.. (--,)
jumped to reach the star @ 10:35 PM
Sunday, July 02, 2006
haay..
ayan.. post uli.. umpisahan na lang noong thursday..
thursday.. ung araw na umalis sina mama, papa at ate dolly.. sina mama sa monday ang balik.. si ate da. 1 month siya dun.. haha.. >:) kaya kami lang ni kuya arnold ang naiwan dito sa bahay namin.. nagpapakasarap.. saka pasaway.. ako madalas umalis at late umuwi.. si kuya naman ndi umaalis.. mas gusto daw niya kasi ang bahay pag walang tao.. kaya nung araw na un.. 930 n ko umuwi dahil gumawa kami ng visual aid sa english.. na kina jess kasi ako.. pero nasa kabilang street lang naman un e.. ang layo d b? laya nagpasundo pa ko sa kuya ko kasi late na rin.. hehe.. (--,) kala ko nga maglalakad pa siya e.. e dahil nga abuso.. nagkotse pa siya. wala namna daw kasi sina papa.. nung araw din na un kami nagtest sa physics at chem.. ang masasabi ko ay.. ang bilis ng oras..
friday.. haay.. ewan ko b pero ang luungkot ko.. ilang beses din ako umiyak at muntikan nang umiyak.. madalas ay tahimik at tulala.. nag-iisip tungkol sa mga bagay bagay.. pero ayos lang.. ndi ko lang tlga maintindihan.. 8 na kami umuwi.. ndi kami sa mcdo kumain.. hehehe.. asenso.. (",) sa annex kami.. dun sa may jamaican patties.. ayun.. kain.. kwentuhan.. inom.. brain freeze.. hehe.. (--,) tas nagwof.. arcade at basketball.. sumakit tlga ung katawan ko dun sa barilan na un.. grabe.. e gabi na nun kaya nagmamadali na maglakad.. buti nakaabot pa sa bahay.. hehe.. =p
kanina.. practice kina yza para sa mapeh.. siyempre sa mcdo ang meeting place.. una akong dumating.. :) 830 usapan.. medyo late din ako.. mga 8 35.. bandang 930 kami umalis.. dumating kina yza bago mag10.. hinatid kami ng tatay ni paul.. wala si jerome saka si hoshea pero may mga nagproxy namn e.. ang titibay nga e.. lalo na ung kay jerome.. walang pagod.. tindi.. ung poste.. astig.. (hehe.. :D) ayun.. after magpractice.. kain.. tas pahinga.. tas practice.. tas laro.. ps2.. hehe.. burnout3!! hehe.. grabe.. sina paul at armin.. nung una 3 at 4 lng ang score... nung last game.. 18 at 19 na.. hehe.. ang galing.. tas un naiwan si paul.. umuwi na kami.. tas dumating din daw si hoshea.. (",)
isang malaking haay....
jumped to reach the star @ 12:24 AM
Tuesday, June 27, 2006
post.. hehe..
nung sunday binisita namin sina ate.. ayos lang namn sila.. si max matakaw daw pero medyo mapayat pa siya ngaun..
kahapon.. walang english kasi ang haba nung flag ceremony dahil nga dun sa pangkalahatang panunumpa ng mga opisyales.. (--,) tapos sa ap.. nagreport kami.. kabado kami kasi hindi namin alam gagawin namin at hindi ko rin gaano alam ung topic ko.. pero ok naman daw.. natuwa naman daw sila.. (",) buti na lang tapos na un.. tas un.. normal naman..
kanina.. hmm.. si mam belisario nasa nova sci hs na daw.. (tama ba?) sa physics.. 3rd kami.. buti na lang nasagot ung last question kung hindi magiging zero ang final score namin dahil sa pusta namin.. umpisa pa lang nagkagulo na.. pero ang saya.. buti na lang sa thurs pa ang test at hindi sasabay sa maraming assign ngaun.. tas nagTLE na rin kami.. mukha naman ok si mrs bellardo.. sa math naman.. tinanong ni sir kung inaantok ako.. sabi ko hindi.. tas nung magttime na.. medyo nakatulog na ako.. hehe.. (--,) ung seatwork kasi e.. inantok tuloy ako.. pati daw si jessa.. hehe.. (",) hindi na namin alam ung pinagsusulat namin kaya.. may mgna numerong ndi naman alam kung bakit nakasulat at mali maling mga solusyon.. hehe.. buti na lang sw lang un at hindi quiz.. (",)
medyo masakit ang ulo ko.. pero hindi maaari.. ang dami pa namang aaralin.. (wenk.. =p)
hanggang dito na lang.. (--,)
jumped to reach the star @ 6:23 PM
Sunday, June 25, 2006
ayan.. post uli..
ang bilis nung linggo.. sabado na naman.. pero tatlong linggo pa lang ang nakakalipas.. haay..
ano bng makkwento?
botohan para sa CYL officers.. security guard.. este security officer.. hehe.. (--,) ayos na hindi.. ayos kasi wla naman din gaanong ginagawa un.. ndi ko nga din alam kung ano bang trabaho nun.. hindi kasi bawal o ayaw ng mga magulang ko.. hanggang ngayon ndi pa alam ng parents ko.. at hindi ko alam kung kelan ko sasabihin o kung sasabihin ko..
madalas nagloloko ang net.. badtrip nga e.. haay..
friday.. nagmeet uli kami nila ate shema.. kaso daw bibitawan na niya muna kami kasi magttrabaho na daw siya.. kaya si ate chiqui na hahawak samin.. hehe.. pangatlong palit na ito.. pero tulad ng sabi ni jess.. lovable naman kami e.. kaya ayos lang yan..
kanina.. PTA officers.. pres tatay ni migs.. vice.. nanay ni camille.. sec nanay ni yza (=D>) tres tatay ni cholo.. at hindi ko na alam.. si mama.. hehe.. pagdating na pagdating.. na nominate agad.. hehe.. si "tita" flor ang nagnominate.. ayun.. kaya PRO tuloy siya.. sayang wala si bec at ang kanyang mother.. hindi kumpleto ang barkada ng mga mama miya.. hehe.. (",) nandun din ung kapatid ni danniel.. si david.. haha.. (--,) child abuse?? hehe.. sabi niya.. "ayy.. sabi na nga ba e.." hehe.. nakukulitan na ata.. hehe.. peace.. (--,) ayun.. ndi kami natuloy sa panonood.. sorry yza.. bawi ako next time.. dalawang pelikula na.. haha.. :D
astig sa curie.. isang magulang lang ang pumunta saka si katrina.. hindi ko lang sure kung may dumating pa.. pero mukhang wala na.. hehe.. (--,)
mamaya.. pupunta kami kina ate annalyn (hehe.. ).. bibisitahin si baby max..
bukas.. may pasok nanaman.. report pa namin sa ap.. gud luck na lang.. sa flag cem marami nanamang iaannounce.. sana tumagal uli.. (",)
ndi ko na naman alam kung ano nararamdaman ko.. masaya ako.. pero malungkot.. sana maayos na lahat ng bagay.. lahat ng problema.. ang daling sabihin pero alam kong mahirap gawin.. haay.. basta..
hanggang dito na lang.. wala pa akong report at assign.. (--,)
jumped to reach the star @ 3:30 PM